x

Tungkol sa Adult Migrant English Program

  • Makakakuha ng hanggang 510 oras ng mga libreng liksiyon sa Ingles at libreng pangangalaga sa bata (kung marapat).
  • Mag-aral ng praktikal na Ingles para sa pamumuhay, pagtatrabaho at pag-aaral sa Australya.
  • Matutuhan kung paano makakakuha ng mga serbisyong pampamahalaan at pangkomunidad.
  • Magkaroon ng mga bagong kaibigan na kadadarating lamang sa Australya.Maghanda para sa trabaho o pag-aaral at magplano para sa iyong kinabukasan.

Mga panukat sa pagiging marapat

  • Ikaw ay nabigyan ng isang marapat na pang-imigranteng visa para sa Australya. Mangyari lamang na magparehistro sa loob ng anim na buwan mula nang matanggap mo ang sulat sa iyo tungkol sa visa.
  • Ikaw ay may visa na ukol sa pamilya, kasanayan, makatao, asawa o kapareha, o aprubadong pansamantalang visa.*
  • Ikaw ay hindi nakakapagsalita/nakakabasa/nakakasulat ng Ingles o kailangan mong magpabuti ng iyong Ingles.
  • Ikaw ay mahigit sa 18 taon gulang. Ang ilang mga kabataang imigrante na nasa edad na 15-17 taong gulang ay maaari ding maging marapat.

*Paki-puna na ang mga aprubadong pansamantalang visa ay hindi kinabibilangan ng mga visa sa pagtatrabaho at visa sa pagbabakasyon, mga visa sa pagtatrabaho habang nakabakasyon o visa sa pagbisita.

Mga naibabagay na opsyon sa pag-aaral

  • Mag-aral nang full-time o part-time sa mga lokasyon sa Queensland.
  • Masusuportahan ng isang boluntaryong home tutor kung hindi ka makakapasok nang full-time.
  • Mag-aral online sa pamamagitan ng distance learning (pag-aaral na pangmalayuan)
  • Kumpletuhin ang iyong AMEP sa loob ng limang taon ng pagdating sa Australya.

Ano ang matututuhan ko sa klase?

  • Sumali sa isang klase na angkop para sa antas ng iyong Ingles.
  • Masusuportahan ng aming mga Community Liaison Officer at ng iyong AMEP Case Manager habang ikaw ay nag-aaral.Matutuhan ang tungkol sa wikang ginagamit sa mga lugar ng trabaho, kultura at mga kagawian sa Australya.
  • Makakuha ng karagdagang pagtuturo ng Ingles kung ikaw ay walang gaanong edukasyon o may mga isyu na umaapekto sa iyong kakayahang matuto.
  • Makakuha ng libreng pangangalaga sa bata habang ikaw ay nag-aaral ng Ingles (batay sa iyong pagiging marapat).
  • Maghanda para sa mga interbyu at magsulat ng resume.
  • Magkaroon ng hanggang 80 oras na karanasan sa trabaho.

Paano ako magpapa-enrol?

Magtanong ngayon

o

Tumelepono: (07) 3244 5488

o

Bumisita sa isang lokasyon ng TAFE Queensland na malapit sa iyo.
Paki-handa lamang ang iyong pasaporte at impormasyon tungkol sa visa.

I-click dito

 

Magkumpleto ng isang pagtasa sa wikang Ingles kasama ang isang AMEP Case Manager. 

 

Ang iyong AMEP Case Manager ay maglalagay sa iyo sa isang klase.

 

 

 Magtanong ngayon tungkol sa aming mga liksiyon sa Ingles

 

The AMEP is funded by the Australian Government Department of Education and Training.
In Queensland, the AMEP is delivered through TAFE Queensland.